His

Thursday, August 1, 2019


4/27/2019


Bago maging tayo, matagal na tayong magkakilala. Hindi tayo close dati. Walang nag-akala sa atin na tayong dalawa din pala ang magkakatuluyuan sa huli. Siguro nga ito 'yung tinatawag ng iba na tadhana.

Iel, love, ikaw ang gusto kong unang makita unang makita paggising, at ang huli bago ko ipikit ang mga mata ko. Ikaw ang gusto kong kasama magkape, at ang gusto kong kasabay sa pagsigaw sa lyrics ng mga paborito kong kanta. Pero higit sa lahat ikaw ang gusto kong makasama habambuhay.

Gustong-gusto ko tuwing niyayakap mo yung braso ko pag naglalakad tayo. Natutuwa ako kapag randomly mong sinisiksik sarili mo sakin habang naghuhugas ako ng plato. Kinikilig ako pag pinapatigil mo ako sa ginagawa ko para lang yakapin ako. Masaya ako na nakakapagusap tayo ng mga walang kwentang bagay, pero hindi rin natin nakakalimutan yung serious stuff paminsan-minsan. Bilib ako sayo at natitiis mo ang mga ka-weirduhan ko sa araw-araw. Salamat sa tiwala. Salamat sa pagmamahal. 

Sa araw na ito ibinibigay ko ng buong puso ang aking buhay. Sisiguraduhin kong parati kang may dahilan para maging masaya. Ipinapangako kong mamahalin kita at aalagaan ka kahit na maubusan pa ako ng salita. Ipinapangako kong iparamdam sa'yo araw-araw kung gaano ka kahalaga sa'kin. Magiging sandalan mo ako sa panahong ikaw ay nangangawit at nanghihina. Ipinapangako kong susuportahan ka sa bawat hakbang ng ating pagsasama. Hinding-hindi ako mapapagod na sabihing mahal na mahal kita. 

Sa journey nating 'to, hawak kamay tayong maglalakbay. Wala akong takot at pangamba dahil alam kong ikaw ang nasa tabi ko. Haharapin natin ang mga pagsubok nag magkasama at magahawak kamay. Excited na akong maging husband mo. 




Post a Comment

Latest Instagrams

© iel in the middle. Design by FCD.